Mga Karapatan sa Trabaho

Credit: Megan Giulianelli

Mga Karapatan sa Trabaho ng NJ 
Saan ka man nakatira, kung nagtatrabaho ka sa New Jersey, kasama sa iyong mga karapatan sa pamantayan sa paggawa ang karapatang:

  • Kumita ng hindi bababa sa minimum na sahod ng New Jersey
  • Mabayaran para sa bawat oras na nagtrabaho ka
  • Mabayaran ang oras ng pagkakasakit para sa iyong sarili o sa isang miyembro ng pamilya
  • Tamang katayuan sa trabaho; ang mga manggagawang napagkamalan bilang mga independiyenteng kontratista o binayaran nang hindi idinadaan sa opisyal na talaan ay maaaring hindi mabigyan ng mga karapatan sa itaas at iba pang benepisyo ng estado ng NJ

Saklaw ng mga proteksyon ang karamihan sa mga manggagawa, at sa paanong paraan ka man binabayaran – cash, bayad kada piraso o suweldo. Mag-ulat sa NJDOL kung naniniwala kang nilabag ng iyong employer ang iyong mga karapatan sa myworkrights.nj.gov

Iniimbestigahan ng NJDOL ang

  • Pagnanakaw sa sahod/hindi nabayarang sahod; mga paglabag sa minimum na sahod at overtime 
  • Mga paglabag sa naipong sick leave 
  • Paghihiganti ng mga employer 
  • Maling pagkilala ng employer sa mga independiyenteng kontratista 
  • Mga paglabag sa umiiral na pasahod (mga proyektong pang-konstruksiyon na pinopondohan ng gobyerno) 
  • Nalalapat ang mga espesyal na proteksyon sa: Mga manggagawang domestiko, Manggagawang May Tip, Manggagawang Bukid, Mga Batang Manggagawa/paggamit ng bata sa paggawa, Temporaryong manggagawa

Gagawin ng NJDOL ang lahat ng pagsisikap para magbigay ng tulong sa iyong wika. Matuto nang higit pa sa nj.gov/labor/investigate. 

Pinoprotektahan ng NJDOL ang mga manggagawang refugee at imigrante

  • Tinatanggap ang mga imigrante at refugee sa New Jersey. Ang NJDOL ay nakatuon sa paglilingkod sa lahat ng mga manggagawa at negosyo ng New Jersey para isulong ang mga pamantayan sa paggawa sa aming estado. Nag-aalok ang NJDOL ng mga libreng serbisyo sa lahat ng tao anuman ang kanilang katayuan sa imigrasyon.
  • Hindi nagtatanong ang mga empleyado ng NJDOL tungkol sa imigrasyon o pagkamamamayan at pinaglilingkuran ang lahat ng manggagawa anuman ang kanilang katayuan. Hindi magbabahagi ang NJDOL ng anumang impormasyon mula sa isang pagsisiyasat sa anumang pederal na ahensya ng imigrasyon, maliban kung legal na kinakailangan na gawin ito. 
  • Maaari kang magsampa nang hindi nagpapakilala, sa pamamagitan ng mail o fax. Isulat ang “ANONYMOUS” sa seksyon ng pangalan ng form ng reklamo at iwanang blangko ang address. Pero hindi ka makakatanggap ng impormasyon tungkol sa iyong reklamo o masusuri ang katayuan nito.
  • Mail: Kagawaran ng Paggawa at Pagpapaunlad ng Puwersa ng Trabaho at Dibisyon ng Pagsunod sa Pasahod at Oras ng Pagtatrabaho ng New Jersey (New Jersey Department of Labor and Workforce Development Division of Wage and Hour Compliance), P.O. Box 389 Trenton, NJ 08625-0389 
  • Fax: (609) 695-1174

Alamin Ang Iyong Karapatan Sa Trabaho Ng NJ: Mga Temporaryong Manggagawa

  • Nagpasa ang New Jersey ng batas na nagbibigay ng mga bagong karapatan sa maraming temporaryong manggagawa: pagtanggap ng impormasyon sa pagtatalaga sa iyong wika; pantay na suweldo at benepisyo katulad ng mga empleyado ng kliyenteng kumpanya na gumagawa ng parehong trabaho o katulad na trabaho; walang bayad para sa transportasyon o pag-cash ng tseke; mga bayad na oras kung ang iyong pagtatalaga ay kinansela o inilipat.
  • Ang mga kumpanya ng temporaryong serbisyo ng tulong at mga kumpanya ng kliyente ay dapat sumunod sa batas:  Parehong maaaring maharap sa mga parusa para sa paglabag sa mga karapatan ng mga manggagawa 
  • Maaari kang magsampa ng reklamo online at/o gumawa ng pribadong legal na aksyon, anuman ang iyong katayuan sa imigrasyon. Tingnan ang buong detalye at magsampa ng mga reklamo online sa: nj.gov/labor/tempworkers
TRANSLATIONS
AAPI New Jersey volunteers
You've been redirected here from aapimontclair.org

AAPI Montclair is now AAPI New Jersey

In 2023, we formally changed our name to AAPI New Jersey to reflect the statewide priorities and activities that this group of committed community members and advocates now supports. 

We continue to host events and programs in Montclair and invite you to explore this site to learn more about the diverse resources and opportunities we offer.

Sign up for our newsletter for the latest updates!