Insurance sa Kawalan ng Trabaho

Credit: Mikhail Nilov

Ano ang Insurance sa Kawalan ng Trabaho? Benepisyong Pinansiyal Habang Naghahanap ng Trabaho

  • Ang Unemployment Insurance (UI) ay isang programa ng Kagawaran ng Paggawa at Pagpapaunlad ng Lakas-Paggawa ng New Jersey (New Jersey Department of Labor and Workforce Development) na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga taong nawalan ng trabaho o nabawasan ang kanilang oras ng trabaho nang hindi nila kasalanan. 
  • Maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong aplikante ng mga benepisyo hanggang sa 26 na linggo sa loob ng isang taong panahon. Kapag mataas ang antas ng kawalan ng trabaho, maaaring magpatupad ng mga karagdagang programang may pinalawig na benepisyo. 
  • Makatanggap ng 60% ng iyong karaniwang lingguhang sahod, hanggang sa pinakamataas na halagang $905 bawat linggo
  • Kinakailangan ang balidong Social Security Number upang makatanggap ng mga benepisyo.

Mga batayang kinakailangan para sa kwalipikasyon:

  • Nagtatrabaho ka sa NJ sa nakalipas na 18 na buwan
  • May kakayahan at handa kang magtrabaho
  • Aktibong naghahanap ka ng trabaho

Isinasaalang-alang din ang iyong kita at kung paano ka umalis sa iyong employer. Ang bawat aplikasyon ay sinusuri ng Kagawaran ng Paggawa at Pagpapaunlad ng Lakas-Paggawa ng New Jersey (New Jersey Department of Labor and Workforce Development) upang matukoy ang pagiging kwalipikado.

Kung nawalan ka ng trabaho dahil natapos na ang iyong Temporary Protect Status (TPS), upang makatanggap ng benepisyo sa kawalan ng trabaho, kailangan mong maipakita ang sumusunod:

  • Ang mga sahod na ginagamit mong batayan ng iyong paghahabol ay kinita habang may pahintulot kang magtrabaho sa United States
    AT
  • Mayroon kang bagong at kasalukuyang katayuan sa imigrasyon na nagbibigay sa iyo ng pahintulot na magtrabaho sa United States.

Alamin ang Higit Pa at Mag-apply

  • Online sa myunemployment.nj.gov
  • Tumawag sa (732) 761-2020 at para sa tulong sa ibang wika maliban sa English, piliin ang opsyong makipag-usap sa isang kinatawan at humiling ng interpreter.
  • Para sa personal na tulong sa pinakamalapit na One-Stop Career Center, Mag-click dito upang magpa-iskedyul ng appointment

Pagkatapos mong mag-apply:

  • I-save ang iyong password sa isang ligtas na lugar
  • Patunayan ang iyong pagkakakilanlan gamit ang parehong email na ginamit mo sa paggawa ng iyong account
  • I-certify ang iyong benepisyo bawat linggo – tingnan ang mga tagubilin pagkatapos mong mag-file
  • Tumugon agad sa lahat ng email na may mga questionnaire
Kung may mga katanungan ka o kailangan ng tulong, mag-text sa 973-298-0925 para makipag-ugnayan sa AAPI New Jersey.
TRANSLATIONS
AAPI New Jersey volunteers
You've been redirected here from aapimontclair.org

AAPI Montclair is now AAPI New Jersey

In 2023, we formally changed our name to AAPI New Jersey to reflect the statewide priorities and activities that this group of committed community members and advocates now supports. 

We continue to host events and programs in Montclair and invite you to explore this site to learn more about the diverse resources and opportunities we offer.

Sign up for our newsletter for the latest updates!