Mga Karapatan ng mga Domestikong Manggagawa

Credit: Liliana Drew

Isa Ba Akong Domestikong Manggagawa?

Itinuturing kang isang domestikong manggagawa kung nagbibigay ka ng serbisyo sa mga pribadong tahanan, kabilang ang pag-aalaga ng bata, paglilinis ng bahay, paghahardin, pag-aalaga ng matatanda o may kapansanan, pagluluto, at iba pa.

Karapat-dapat Ka sa Isang Ligtas at Patas na Lugar ng Trabaho!

Pinoprotektahan ng Batas sa Karapatan ng mga Domestikong Manggagawa ng New Jersey ang iyong mga karapatan sa trabaho, kahit ano pa ang iyong katayuan sa imigrasyon o kung paano ka binabayaran. Hindi maaaring gumanti ang inyong employer laban sa iyo dahil lamang sa paggamit mo ng iyong mga karapatan sa trabaho. Kung gagawin nila iyan, maaari silang maharap sa mabibigat na parusa.

Mga Proteksyon para sa mga Immigrant

Hindi nagtatanong ang Kagawaran ng Paggawa ng New Jersey (New Jersey Department of Labor) (NJDOL) tungkol sa katayuan sa imigrasyon o pagkamamamayan. Ang NJDOL ay isang ahensya ng estado na hiwalay sa pamahalaang pederal at hindi kusang magbabahagi ng anumang impormasyon mula sa imbestigasyon sa anumang pederal na ahensya ng imigrasyon, maliban kung ito ay legal na kinakailangan. Kailangan mo ng Social Security Number upang makapag-apply sa ilang benepisyong pinansyal.

Ang Iyong mga Karapatan at Proteksyon

  • Karapatan sa kontrata Kung isa kang domestikong manggagawa na sakop ng batas at nagtatrabaho ng lima o higit pang oras bawat buwan, obligasyon ng employer mo na bigyan ka ng nakasulat na kontrata. Dapat na nakasulat sa iyong wika ang kontrata.
  • Karapatan sa tamang sahod at oras ng sakit May karapatan kang makatanggap ng hindi bababa sa minimum na sahod ng Estado, bayad sa overtime, at naipon mong sick leave para sa pangangalaga sa iyong sarili o sa iyong mga mahal sa buhay. Dapat na regular kang bayaran ng iyong employer, hindi bababa sa dalawang beses bawat buwan, at hindi lalampas sa 10 araw matapos ang pagtatapos ng takdang panahon ng sahod. 
  • Karapatang mag-break Kasama rito ang mga break sa pahinga, break sa pagkain, at oras ng pagtulog depende sa kung gaano ka katagal nagtatrabaho.
  • Karapatan sa pribasiya Hindi maaaring itago o hawakan ng iyong employer ang orihinal na kopya ng iyong mga personal na dokumento (hal. pasaporte, visa). Hindi ka maaaring subaybayan o i-record ng iyong employer sa mga pribadong lugar (hal. banyo, iyong tirahan) o sa iyong pribadong komunikasyon (telepono/email)
  • Kompensasyon para sa Manggagawa Obligado ang iyong employer na magkaroon ng coverage ng Workers’ Compensation insurance.
  • Bayad na Pamilya at Medikal na Leave at mga Benepisyo sa Kawalan ng Trabaho Maraming domestikong manggagawa ang kwalipikado sa mga benepisyong pinansyal na ito. Kailangan mong magkaroon ng balidong Social Security Number upang mag-apply.
  • Proteksyon laban sa diskriminasyon Ipinagbabawal ng batas ang anumang diskriminasyon o panliligalig ng iyong employer batay sa ilang katangian, tulad ng lahi, nasyonalidad, kasarian, at iba pa.
  •  

Alamin ang Higit Pang Impormasyon o Maghain ng Reklamo:

  • Online sa nj.gov/labor/domesticworkers
  • Hindi mo kailangan ng SSN upang makapaghain; maaaring tumulong ang isang pinagkakatiwalaang tao sa paghahain o makipag-ugnayan sa NJDOL para sa iyo. 

Kung may mga katanungan ka o kailangan mo ng tulong sa pag-unawa ng iyong mga karapatan, mag-text sa 973-298-0925 upang makipag-ugnayan sa AAPI New Jersey.

TRANSLATIONS
AAPI New Jersey volunteers
You've been redirected here from aapimontclair.org

AAPI Montclair is now AAPI New Jersey

In 2023, we formally changed our name to AAPI New Jersey to reflect the statewide priorities and activities that this group of committed community members and advocates now supports. 

We continue to host events and programs in Montclair and invite you to explore this site to learn more about the diverse resources and opportunities we offer.

Sign up for our newsletter for the latest updates!